Payment Method

As I've said on my previous post the next post will be money matters.
So, here. Pano ba ang bayaran sa mga online job, freelance job at online business?
Online Employment(as independent contractor)
Upon interview, malalaman mo na sa magiging boss mo kung ano ang payment method na preferred nila or maladas sila ang nagtatanong sa'yo kung ano ang preferred mo.
Eto po ang mga options:
1. Paypal (PayPal.com)

How to open an account on PayPal?


  • Go to PayPal.com and sign up for new account for FREE naman. (see screenshot) no worries about paypal.com, just make sure of the address bar dapat ang nakalagay https://paypal.com, ibig sabihin ng https - secured and website.
  • You need to remember the email address and the password, parang facebook lang yan. If di po kayo marunong magregister, itrain nyo ang sarili nyo to search things over search engines. Search for, "how to register an account in PayPal?".


How to withdraw money from PayPal


  • Upon registration, magtatanong na sa inyo ang paypal ng credit card information to verify your account. Pwede kayong makarecieve na agad ng money from your employer kahit di nyo pa naveverify ang account nyo. Ang problema lang, hindi nyo ma-een-cash or mawiwidthraw ang pera nyo kapag di nyo pa naveverify ang account nyo. Please totoo po lahat ng ilagay nyo, hindi pwede ang nick name, kung ano ang nakalagay na name nyo sa ID, sa banko yun po ang details na ilagay nyo, or else di po kayo makakawithdraw.
  • Verify account using a debit card. Kung magsesearch po kayo sa internet kung pwedeng mag-verify ng account sa paypal using a debit card (or yung mga ATM natin na hindi credit card, deposit account sila), pwede po kung ang ATM nyo ay may VISA, MASTERCARD logo. Kung wala, hindi po pwede, at ang pwede lang po sa pagkakaalam ko ay and UnionBank EON card. 
    • And BDO may mga VISA and MasterCard logo din sila, pero hindi pa po sila partnered with Paypal for verification. Pero once naverify napo ang paypal nyo, pwede nyo pong magamit kahit anong debit card, basta bank account.
    • If you have a credit card, madali lang po ang process. Pero kung wala po kayo kayong credit card, I suggest get a UnionBank EON card, madali lang po magapply sa kanila, pero may bayad ng 350pesos per year. Pero ok na, debit card sya pero walang maintaining balance.
    • And pwede narin kayo magwithdraw ng money sa EON card.
    • After nyo po ilagay ang info nyo, hihingin kayo ng verification code from the bank. Tawag po kayo sa bank para makuha ang code. May ichacharge ang paypal ng $1.9+, pero once naverify marerefund naman yon.
  • Withdraw money using debit or credit card. Once PayPal account is verified, you may withdraw money thru any debit or credit card, may logo man o wala, basta active bank account po. But make sure on registering your debit card. Kasi baka po magkamali kayo ng bank code, number, pin eh di po pumasok ang pera sa card nyo, makakaltasan pa kayo ng P250.
    • Yung card number and code makikita nyo sa card, pero may bank code pong itatanong ang paypal. Nagiiba po ang mga ito, kaya hindi din reliable and mga list of bankcode sa internet. Kaya mas magadan kung tumawag po kayo sa bank nyo and ask for their bank code.
    • Now, you can withdraw your money anytime, ang problema lang count 4 to 7 banking days bago pumasok ang money nyo sa ATM.
    • Example, Mar 25(FRIDAY) nyo winithdraw from PayPal to your Bank, sa March 31 nyo pa makukuha kasi hindi kasama ang sat and sun sa banking days.
    • (Kung hindi po clear sa inyo ang process, post a comment nalang, para masagot ko po ang tanong nyo)

Advantage: Kahit taga saan ang employer Australia, UK, Canada, US, Middle East, ok sa kanila ang paypal. 

Disadvantage: Napakatagal bago mo maang pera, as of today (March 22), mas tumagal ang pa, dati 2days lang ngayon 4days na. Kalungkot. Pero ok lang atleast nakakatipid. And other thing is may service charge ang paypal. Kung pwede kayong magrequest sa boss nyo na ipadala via personal payment. Ganun, pero may mga company na Service Payment nila sinesend ang pera nila, kapag kasi service payment nila pinadala ang pera, mag chacharge ng almost 4% ang paypal sa total amount received. Example, pinadalhan po kayo ng $100, may $4 na ikakaltas ang paypal. Bale $96 nalang ang marereceive mo. Para magets mo kung ano ang ibig kong sabihin, try mo ikaw ang magpadala sa iba. Ang default kasi is Online Purchase, dapat iselect nila Personal Payments.




2. Xoom Money Transfer (Xoom.com)
Another option is Xoom Money Transfer, pero pwede lang po ito para sa mga US employers, kasi US credit card ang gamit para makapagsend ng money. Dati po, pwede sya kahit san, kaso nagkaroon ng issue, di ko na inalam kung ano, pero ayun na nga, di na pwede ang ibang bansa na magpadala through Xoom, sayang favorite ko pa naman to. Anyway, so eto napo.

How to receive payment in Xoom

Parang usual kwatra padala po ito, kagaya ng western union, m.lhuilier, cebuana, money gram, etc. Ang kailangan lang ay, ibigay nyo po ang mga details na ito sa employer nyo.
Payment Method: (Cash Pick Up- sa branch ng M.Lhuiler, Cebuana Lhuiler, BDO, SM etc. check Xoom.xom, pwede nyo makuha once nakuha mo ang tracking number. Bank Deposit - 4-7days din bago pumasok sa account mo. Door to Door. Dito kailangan exsact address, tapos min.of 1week bago mapunta sa inyo, ayoko nito kasi minsan naligaw ang perang pinadala saken) Recommended ko po is Cash Pick Up, pwede mo makuha anytime at napakaraming outlet ng mga Xoom ang pwedeng magpukahanan)
Name: (complete name kung ano ang nakalagay sa mga ID nyo)
Address: (Complete address)
City: Ok lang kahit anong city ang ilagay mo kung cash pick up, pwede mo naman kasi makuha yung money kahit saang branch
State: sa ibang bansa kasi may state eh, pero satin kahit Metro Manila nalang
Email Address: kung saan isesend yung tracking number.
Contact Number: number mo, just incase magkaproblema itetext ka

Yan yung mga ibibigay mo sa employer. Pero ikaw, kailangan mo ring makuha ang details nya.
Name ng Sender (kung ano ang nilagay nyo nung nagpadala sya)
Address: Kahit yung bansa lang ok na
Password: if any.

Advantage: Instant Money delivery kung cash pick
Disadvantage: Lalabas ka pa ng bahay para makuha ang pera kung cash pick. Applicable lang sya for US employers. Kaya kung afganistan ang employer mo, paypal lang pwede.

Pwede nyo itanong, di ba pwede ang Western Union? Kasi mas marami ang western union branch eh. Hehehe. Pwede po, pero ayaw nila. Kasi mahal masyado ang charge... Sa WU kasi, habang palaki ng palaki ang padala, palaki ng palaki ang charge, tapos alam ko may minimum charge na $10. Kahit $50 lang ang pinadala nila, magbabayad sila ng $10. Di gaya ng Xoom, fix and $8. Now you know.

Wala bang scam jan? So far, sa mga naging employer ko po, awa ng Dios di pa po ako nasscam, once lang naligaw yung pera kasi mali yung address na ibinigay ko, kasi ang gusto ko Cash Pick Up, pinadala nya Door to Door. Wag po kayong matakot na hindi sila magbabayad, kasi mga business person sila, and kapag di sila nagbayad, sabihan nyo lang po ako, at irarant natin ang website nila. Hehehe. Joke lang, pero just to give you an idea. Ang minimum full time job is $250/month, sa abroad po, barya lang sa kanila yun. And sobrang tipid na nila saten, dahil kung maghihire po sila sa bansa nila, baka abutin sila ng $2,500-5,000 para sa same load of job na ginagawa natin. Kaya hangga't buhay sila, papadalhan nila yung sweldo mo. And madalas may bonus pa, pag nagexceed ka sa job expected nila. Hindi sila kuripot kapag nakikita nila na hardworking ka at transparent.

Kelan usually ang sweldo? Alam nila ang law saten about bi-weekly, kaya pwede mong irequest na bi-weekly ang sweldo, ibig sabihin 15th and 30th. Pero kakausapin ka nila na baka pwedeng after 3months, every end of the month nalang, nasa sa inyo po kung papayag kayo. Ako ok lang kasi di naman magastos eh, sa bahay lang, saka pag nakuha mo, atleast buo. Sila kasi sa bansa nila, usually once a month ang sweldo eh, kaya minsan nakakalimutan nila pag bi-weekly.


Any question pa?

4 comments:

  1. could you possibly put links ng websites where they're looking for online writers/bloggers like me? thanks!

    ReplyDelete
  2. Hi Ysh, it's good that you already a background with Online Writing and Blogging, it will be easy for you to find a job. If you like to get a project based job, try creating an account in Odesk.com. There are tons of online businessmen there who needs writers and bloggers asap. But they pay slightly lower at first. If you wish to get A full time job naman, as a Virtual Assistant, I recommend bestjobs.ph. Please refer to the resume that I made, http://bestjobs.ph/resumes/filipina-va. Hope this helps. Thanks for leaving a comment!

    ReplyDelete
  3. ate gel, may paypal na ako, sabi ng employer ko sila na magbabayad ng ibang fee. may kailangan ba naibigay na number? o ung email lang sa paypal? thanks! :)

    ReplyDelete
  4. Hi Ayvee, buti naman at may employer kana. :). Kung may paypal kana, kailangan mo nalang syang iverify-ilink mo yung UnionBank mo para maverify. May refundable charge yun ng $1 ata, pero pag verified na, babalik ulit sa bank mo yung $1. Then, i-send mo sa employer mo yung account mo. Yung email address lang na ginagamit mo sa paypal yun na yun. Wala ng ibang details. After that, pwede kana magwithdraw.

    ReplyDelete