You'll notice that in every article, there should be an introduction. But in my case, since I don't have really much time to think about introduction, proper grammar and everything. Pasensya pasensya, na lagi akong straight to the point. Hehehe
If you have any question, you can post right here. Please post lang here, and not message me or something kasi maari pong yung mga tanong nyo, ay tanong din ng iba. And note na HINDI po ako EXPERT, ako'y mababang klase ng tao at madalas pong magkamali, kaya kung sa tingin nyo po, mas tama po ang alam nyo. Pleeeeeease share, para po makatulong din sa lahat.. Salamat!
Alright, marami pong paraan para makapagstart ng online job or online business.
Online Job? Online Business?
Yes po, may job (meaning work, trabaho, may employer, may boss) at may online business(kayo ang boss, maghihire kayo ng tao kung gusto nyo, at may puhunan).
Malamang sa malamang po ay online job ang hinahanap nyo no? Pero just incase na online business po ang hanap nyo please visit the For Business page in this blog.
Pero for the rest of this blog, puro online job lang po ang magiging laman nito.
HABA! Eto na mga Ma'am/Sir.
Saan, paano po magkaroon ng online job?
Kung ang gusto nyo po ang REGULAR JOB, meaning employee, may contract, may account, may boss at full time(8hours a day), part time(4hours a day).. Gawa po kayo ng account sa bestjobs.ph and onlinejobs.ph.
Marami pong website na nagooffer ng ganto, pero eto po ang recommended ko, based on experience. Pero kung ang hanap nyo lang is freelancing at per project, gawa po kayo ng account sa odesk.com and getfreelance.com.
Account? Anu yun?
Actually, dapat pala resume. I'm sorry naman. Parang account po sya, kasi may kailangan po kayong ifill-up, may username and password at kailangan nyo rin syang update every now and then.
Meron po ako dito na sample na ginawa ko para sa aking minamahal na kapatid na si Ate Venus.
http://bestjobs.ph/resumes/filipina-va
(paki-click nalang po ang link para makita nyo)
Try to study how I made it, pero ang importante po ay ang introduction nyo, kasi yan ang unang makikita ng employer or ang naghahanap ng staff, kaya dapat enticing.
TIP(dapat basahin): Isang magandang traits as internet worker is pagaralan nyo ang mga websites na napupuntahan nyo, tignan nyo ang bestjobs.ph, onlinejobs.ph, pano ba sila umaandar? pano gumawa ng resume? ano ba ang magagandang resume? kung ako ang employer, ano ba ang hahanapin ko? Maging open kayo sa mga bagay-bagay, kasi yan din ang unang hahanapin ng mga employer sa inyo.
Next topic, anong work ba ang ginagawa sa online? Totoo ba yan? Pano ang bayaran? Baka may scam, kailangan ba ng webcam? Nagshoshow ba jan? Baka porn yan! Hahaha, lahat po ito ay ididiscuss ko rin sa next blog.
See ya.
No comments:
Post a Comment